*sigh*
12:25 AM. Lunchtime. Phone check: walang message. Ano ba? Nakakalito.
Nagdesisyon ako ng padalosdalos, hindi ko inisip yung outcome pero bahala na. Alam ko na rin naman ang ending nito at hindi ko naman pwedeng panghawakan ang pangakong walang basehan. Siguro nga panahon na para ipaubaya sa kapalaran ang kinabukasan at enjoyin nalang kung anuman ang meron ako ngayon. Nakakapagod magmahal kung alam mong nagawa mo nang lahat, tama at mali pero wala parin, hindi parin, ayaw parin. Gusto kong umiyak pero nakakahiya kasi ang daming tao, gusto kong umuwi nalang pero hindi pwede. Ano ba?
Sabi ko hiwalayan n’ya nalang ako at ginawa n’ya nga. Hindi na daw siya pupunta dito, bahala siya. Pinilit ko siyang pakisamahan ang pamilya ko pero bakit parang napakahirap para sa kanyang gawin ‘yon? Mahal siya ng mommy at daddy ko pero hindi niya man lang makuhang palit ng paggalang ‘yon. Pero dun sa magulang ng iba, nakikipagbonding siya. Kung ayaw niya, huwag niya. Bakit ko naman ipagpapalit ang pamilya ko sa taong hindi naman ako kayang mahalin bilang ako at ang nakikita lang sa akin ‘e yung lahat ng kasalanan ko. Hindi ko nga siguro alam ang tunay na kahulugan ng LOVE. Ewan. Ah ewan.
Kapag hindi siya dumating bukas, wala na talaga at wala naman akong choice kundi maging handa nalang. Masaktan man ako, atleast tapos na. Time heals all wounds naman eh tapos gagawin ko rin yung ginawa ni Julia Roberts sa Eat, Love and Pray, magpapahinga, magmemeditate, soul searching and focus muna sa anak ko at studies. Sisikapin kong simulan ang buhay na mag-isa, mangarap muli pero ngayon hindi ko na idedepende ang buhay ko sa buhay ng kung sinong tao. Magiging mabuting nanay, anak, kapatid, kaibigan, estudyante at empleyado. Love life? ‘Wag muna, nakakatakot, lalo pa’t babae ang anak ko, hindi pwedeng magpadalosdalos.
Sana mabasa ‘to ni Ishi. Kasi nahihirapan talaga ako (Ayan, tumulo na naman ang luha ko at nakakahiya kasi may mga tao) at wala akong karamay I’m in a crowd but I feel so alone. Nakakamiss tuloy si Ishi kasi kung sana’y katabi ko siya ngayon, may magpapahid ng luha ko. Nahihirapan na talaga ako. Gusto kong sumigaw Why did HE give me such a high quota for suffering and pain? Wala pa nga akong asawa pero parang bigla akong nagging biyuda.
No comments:
Post a Comment