Saturday, June 25, 2011

Bowled Over

Speechless.

It’s 4:14 AM and I have nothing to do.

(REWIND)

11:00 AM, I was pulled out to talk to my supervisor and my manager because of a complaint. The complaint says I was rude. Am I? So what now? What am I going to do for 6 1/5 hours aside from surfing the net and getting busy with the chat room which is very boring and full of insensitive people?

Well, I’m going to do the thing which I have become a master of, CONTEMPLATE.

4:21 na, pwede na akong mag-umpisang magcontemplate. Okay. So, ano na? Ayun, FRUSTRATING, kasi gusto kong maging magaling sa lahat ng gagawin ko, bata pa lang ako nasanay na akong maging super achiever at nasanay akong maging crème of the crop pero why is there a sudden twist of faith?

Una, gusto kong maging accountant, banker nga ako pero hindi naman ako accountant at malaki ang difference nun, ayokong magtrabaho sa call center pero wala naman akong choice kasi ito lang ang alam kong trabaho na magbibigay sakin ng perang ipangpapakain ko sa pamilya ko. Napakahirap maging honest talaga, mahirap iadmit na naghihirap ka kasi siyempre, pride na nga lang ang natira sayo and come to think of it, it’s one of the things that you can still keep for yourself and hold on to it no matter what at yun na lang talaga ang makakapagboost ng morale mo. Gusto kong kumita ng malaking pera para maibigay ko sa anak ko ang mga pangangailangan niya. Naibibili ko naman siya ng basic needs niya, gatas, pagkain, vitamins atbp, pero gusto ko rin siyang bilhan ng maraming laruan, books, damit na hindi niya naman masyadong kailangan, yung mga bagay na pwede namang wala nalang pero gusto ko meron siya nung mga yun kasi nga pride yun ng magulang at magulang ako. Kaso lang kulang talaga.

Pangalawa, ewan ko kung pangalawa ba talaga to or continuation nung una, basta, gusto kong mafulfill ng partner ko ang dreams niya. Gusto kong maging police officer siya or soldier kasi yun talaga yung gusto niya. He was almost there. Magiging asawa na sana ako ng opisyal pero ayaw ng Diyos. May problema siya sa mata, partial colorblindness. Yung iba totally colorblind pero nakapagpatuloy kasi may puting kabayo at matigas na pader na sinasandalan, siya may nakikitang konti pero hindi nabigyan ng pagkakataon. Ngayon, wala parin siyang trabaho. Nahihirapan na nga ako kasi ako lang mag-isa ang kumikita. Gusto kong maghanap nalang siya ng ibang trabaho, yung makakadagdag naman sa kita namin para hindi naman ako masyadong mahirapan pero hindi ko masabi sa kanya sa paraang maiintindihan niya. I’m torn between helping him achieve him dreams or help him help me in helping our family. Hindi ko siya kayang obligahin na tulungan ako, kaya hanggat kaya ginagawa ko para kumita.

Pangatlo, ang dami ko nang nasisirang relationship, nasira ko ang relasyon naming ng kaibigan ko dahil sa utang na hindi ko pa nababayaran. Napapanaginipan ko sila palagi at sa panaginip ko lagi akong humihingi ng tawad. Feeling ko din sobrang nadisappoint ko parents ko at lalo na ang daddy ko, nagtiwala siya sa akin but I lost it dahil din sa pera. Hindi ko alam bakit pero as long as there is a way na makatulong ako sa pamilya ko, kahit magkautang ako, gagawin ko at ayos lang kahit wala nang matira sakin. Pati relationship ko sa officemates ko at kaibigan ko, iba na dahil sa fear of rejection na pag nalaman nila na ganito akong tao, lumayo sila. Matino naman akonf tao, ewan ko pero feeling ko they will judge me for what they do not know. Ang dami ko na ring mga kwentong nabuo para lang pagtakpan ang mga utang at pagkukulang ko.

Gusto ko na nga minsan tumakbo, umalis, magpakalayo para takasan ang lahat ng problema, utang, kasinungalingan but most of it is takasan anf realidad ng ngayon. Naisip ko na flight will not correct the mistakes, it may make me rest for a while but it will not make me correct my mistakes. I wanted to raise the white flag, but I’m not the quitter type. I may not be able to correct the mistakes of the past but I can and I have learned from it.

Ang hirap maging anak, kapatid, asawa’t ina.

*sigh*

No comments:

Post a Comment